Ano ang hyperthyroidism?

 

Kapag may hyperthyroidism, ang thyroid gland ay naglalabas ng sobrang thyroid hormone. Ang iba pang tawag sa sobrang aktibong thyroid ay thyrotoxicosis. ‘Pag sobra ang thyroid hormone, bumibilis ang metabolismo at bumibilis ng higit sa normal ang mga proseso sa katawan.

 

Ang pinakamadalas na sanhi ng hyperthyroidism ay ang autoimmune na kondisyon na kung tawagin ay Graves’ disease (diffuse toxic goiter). Maaaring ito ay nasa lahi at kababaihan ang madalas na naaapektuhan. Ang hyperthyroidism ay maaari ring dulot ng bukol o nodules sa thyroid sanhi ng sobrang thyroid hormone. Ang tawag dito ay toxic goiter.7,8

References: 7. American Thyroid Association. Hyperthyroidism. Accessed from http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Hyper_brochure.pdf on August 2016. 8. Bahn RS et al. Hyperthyroidism and Other Causes of Thyrotoxicosis: Management Guidelines of the American Thyroid Association and the American Association of Clinical Endocrinologists. Endoc Prac. 2011.

Like Us on Facebook

DISCLAIMER: This  is strictly for information purposes only. The information here is not medical advice and should not be treated as such.

If you have any questions about any medical matter, please consult your doctor.