Ano ang bosyo/thyroid nodule/thyroid cancer?

 

Ang Bosyo ay ang abnormal na paglaki ng thyroid gland. Maaari itong mangyari sa hyperthyroidism (sobrang thyroid hormone), o sa hypothyroidism (kulang sa thyroid hormone), o sa eurothyroidism (tamang dami ng thyroid hormone).9

 

Ang Bosyo ay kadalasang dulot ng kakulangan sa iodine. Kapag kulang sa iodine ang iyong dyeta, sinusubukan ng thyroid na punan ito sa pamamagitan ng paglaki. Ang iba pang mga sakit gaya ng Graves’ disease at Hashimoto’s thyroiditis ay maaaring magdulot ng goiter.

 

Nagkakaroon ng Thyroid nodules kapag may abnormal na paglaki ng thyroid tissue. Maaaring may isa o higit pa nodules. Maaari itong gumawa ng thyroid hormone (toxic nodules). Kung minsan, maaaring malignant  ang mga thyroid nodules (thyroid cancer).

 

Ang Thyroid cancer, di tulad ng ibang uri ng cancer, ay malimit na mabuo ngunit may mataas na tsansa ng paggaling.10

References: 9. American Thyroid Association. Goiter. Accessed from: http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Goiter_brochure.pdf on August 2016. 10. American Thyroid Association. Thyroid Cancer. Accessed from: http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ThyroidCancer_brochure.pdf on August 2016.

Like Us on Facebook

DISCLAIMER: This  is strictly for information purposes only. The information here is not medical advice and should not be treated as such.

If you have any questions about any medical matter, please consult your doctor.